Bilang isang diyosa ano ang hindi magandang katangian ni Venus?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bilang isang diyosa ano ang hindi magandang katangian ni Venus? Matamang salamat mga tropa! 🙂

Sagot verified answer sagot

Bilang isang diyosa ano ang hindi magandang katangian ni VenusSi Venus ay ang itinuturing na diyosa ng pag-ibig at kagandahan na ilan sa mga katangian at bagay na nais makamit ng maraming nilalang noon.

Ngunit kahit isang diyosa na si Venus ng pag-ibig at kagandahan, hindi pa rin siya perpekto at mayroon pa ring hindi magandang katangian.

Ayon sa mga tala, si Venus daw ay mayroong matinding inggit kay Psyche. Kahit kasi na si Venus ang diyosa ng kagandahan, sa paningin niya ay si Psyche pa rin ang pinakamaganda.

Ang mga mortal ay mas nagtuon ng oras at panahon kay Psyche at nakalimutan na ng mga ito ang sumamba kay Venus.