Katanungan
bilang isang kabataan paano mo mapapanatili ang kasagraduhan ng buhay?
Sagot
Kailangan ko lagi ingatan ang sarili upang hindi mapahamak. Halimbawa na lamang ngayong may COVID, dapat manatili ako sa aking bahay kung hindi naman importante ang aking pupuntahan dahil baka mahawa pa ako ng virus.
Higit pa rito, kailangan ko rin protektahan ang aking kalusugan. Dapat din ay sumunod sa mga magulang upang hindi mapahamak sa kahit anong panganib sa buhay.
Dapat makinig sa kanila dahil sila ang nakatatanda at nakakaalam kung ano ang maaaring mangyari sakin. Pang huli, dapat din may takot sa Diyos upang maging payapa at may disiplina ako sa buhay. Isasabuhay ko rin ang kaniyang mga mensahe upang maging mapagmahal sa aking kapwa at komunidad.