Katanungan
Ano po ba ang mga hakbang na gagawin ninyo bilang isang magulang upang matugunan ang mga karapatan ng inyong mga anak?
Sagot
Ang bawat bata sa buong mundo, mula pa lamang sa kanilang pagkakasilang, ay may tinatamasa ng mga karapatan. Bilang isang magulang, layunin kong matugunan ang mga karapatan na ito tulad ng pagkakaroon ng pangalan, tirahan, pagiging malusog, pagpa-paaral at iba pa.
Magsisikap ako at pagbubutihin ang aking pagtra-trabaho upang makalikom ng sapat na pondo na siyang pwedeng tumugon sa pangangailangan ng aking anak.
Sisiguraduhin kong mabibigyan ko siya ng sarili niyang identidad tulad ng pangalan at tirahan. Ibubuhos ko ang aking pagmamahal at suporta upang lumaki siyang maayos.
Ituturo ko ang importansya ng edukasyon ngunit ibabalanse rin ito kasabay ng paglalaro upang maging malugod rin ang kanyang pagkabata.