Bilang mag aaral ano ang maibibigay mong ambag upang mapagtagumpayan ang pandemya?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang maibibigay mong ambag bilang mag-aaral, upang mapagtagumpayan ang pandemya?

Sagot verified answer sagot

Ngayon ay kasalukuyan nating nararanasan ang isang pandemya. Sa kasamaang palad ay nagkalat ang isang nakakahawang virus na tinatawag nating covid-19.

Kaya naman maraming tao ang nagkakasakit at minsan ay nagdudulot pa ng kanilang kamatayan. Bilang isang mag-aaral, ang aking maitutulong upang hindi na lumala pa ang kalagayan ng ating bansa sa panahon ng pandemya na ito, ay manatili sa aking bahay.

Nagsara ang mga paaralan kaya naman lahat ng klase ay online o sa internet na. Gagamitin koi tong pagkakataon na huwag lumabas ng bahay kung hindi naman importante o kinakailangan talaga. Kung sakali man na lalabas, ako ay susunod sa mga alituntuning pangkalusugan, tulad ng pagsusuot ng face mask.