Bilang mag-aaral paano mo maipakakalat ang mga impormasyong inilahad sa tekstong binasa?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

bilang mag-aaral paano mo maipakakalat ang mga impormasyong inilahad sa tekstong binasa?

Sagot verified answer sagot

Bilang mag-aaral, may iilan akong alam na paraan upang mas mapalaganap ang kaalaman o impormasyon na nakasaad sa mga tekstong aking binabasa.

Unang-una na rito ay ang karunungan ko sa paggamit ng internet. Ang internet ay nag-uugnay sa mga tao mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Kung aking ibabahagi sa internet ang mga tekstong aking nabasa ay tiyak na mas maraming tao ang makakakita at makakabasa nito.

Kung ang manunulat ay banyaga o mula rin sa ibang bansa ay maaari ko rin siyang hanapin at kumomekta sa kanya. Aaalamin ko kung may karagdagang impormasyon at kaalaman pa siya na mas makakatulong sa akin at sa iba.