Dahilan ng deforestation

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang mga dahilan ng deforestation?

Sagot verified answer sagot

Dahilan ng deforestationMaraming dahilan ang deforestation o pagkakalbo ng mga kagubatan sa mundo. Una na rito ay ang walang habas na pagputol ng puno ng mga iligal na mangangahoy.

Hindi sila kumukuha ng kaukulang permit at panay lamang ang pagputol sa mga puno para sa sariling interes. Hindi nila pinapalitan ang mga punong pinuputol nila kaya naman tuluyan nang nakalbo ang mga kagubatan.

Ang pagkawalang puso ng mga taong ito ay nagdudulot ng isa pa sa mga dahilan ng deforestation, ang pagmimina. Maraming lupain sa mundo ang ginagawang minahan ng mga negosyante. Walang habas nilang pinuputol ang mga puno upang kanilang mabungkal ang lupa at kunin ang yaman ng mga ito.