Dapat ba o hindi dapat ituro ang wikang Koreano sa kolehiyo?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

dapat ba o hindi dapat ituro ang wikang koreano sa kolehiyo?

Sagot verified answer sagot

Maaaring ang bawat isa sa atin ay may magkakaibang opinyon tungkol sa usapin kung dapat bang ituro ang wikang Koreano sa kolehiyo. Kung sa aking palagay lamang ay hindi ako sang-ayon na dapat ituro ang wikang Koreano sa kolehiyo.

Nakikita kong maaari ngang makatulong ang pag-aaral ng ibang wika sapagkat ito ay nagbibigay daan sa mas maraming oportunidad.

Ngunit iilan lamang sa buong mundo ang nakakaintindi, nakakabasa, at nakakasulat ng wikang Koreano. Mas mainam ituro ang mga lengguwaheng may mas malayong sakop tulad ng Ingles, wikang Tsino, at wikang Espanyol. Lalong lalo na ang Ingles, bilang ito ang pangunahing wikang internasyonal.