Di gaanong seryoso ang pagbasa tulad na lamang kung nagpapalipas ng oras, nagpapatuyo ng buhok habang nagbabasa at iba pa?

Katanungan

Ano po ang halimbawa ng di gaanong seryoso na pagbasa?

Sagot verified answer sagot

Mayroong iba’t-ibang uri ng pagbabasa ayon sa layunin. Isa na rito ang kaswal (o casual sa wikang Ingles) na pagbabasa kung saan hindi gaanong seryoso ang pagbabasa ng isang indibidwal.

Halimbawa ng pagbabasang kaswal ay tulad na lamang kung nagpapalipas oras lamang ang isang tao, nagpapatuyo ng buhok habang nagbabasa, wala lamang magawa kung hindi magbasa, at iba pang mga senaryo.

Walang masama sa kaswal na pagbabasa. Minsan ay nakakatulong pa ito upang mas kahiligan ng isang tao ang pagbabasa.

Ang kadalasang mga binabasa ng kaswal ay tulad ng mga komiks, mga magasin, at iba pang mga aklat na may mga malalaking larawan.