Dito matatagpuan ang Prime Meridian

Katanungan

Dito matatagpuan ang Prime Meridian

Sagot verified answer sagot

Prime meridian, o punong meridiyano sa wikang Filipino, ang tawag sa pinakagitnang guhit na humahati sa Silangan at kanluran na parte ng globo. Matatagpuan ito sa Greenwich, London, United Kingdom.

Minsan ay tinatawag rin itong meridyano ng pagsimula dahil ito ang batayan ng zero degree na longhitudal na linya na ginagamit bilang sa pagtukoy ng mga iba’t ibang longhitud.

Ipinakilala ito noong taong 1884 sa International Meridian Conference bilang isang standard na batayan para sa pagkakaroon ng pantay-pantay, tulad nang nabanggit, na pagtukoy sa mga oras at longhitud sa buong mundo.

Sa tulong ng Prime Meridian, ang mga lokasyon ay maaaring tukuyin gamit ang longhitud na nagmumula dito.