Katanungan
ano ba ang mga elemento ng maikling kwento?
Sagot
Mayroong walong elemento ang isang maikling kwento. Una sa lahat ay kailangan nito ng tauhan o mga karakter na gaganap sa kwento.
Ang ikalawang elemento naman ay ang tagpuan o kung saan magaganap ang mga pangyayari sa naratibo. Kailangan ay may sinusunod rin na banghay ang isang maikling kwento, kung saan may panimula, gitna, at wakas.
Ang ika-apat na elemento naman ay ang pagkakaroon ng suliranin na siyang kailangan mapagtagumpayan ng pangunahing tauhan.
Kaisipan naman ang tawag sa elemento ng kwento na siyang nagbibigay mensahe o kinapupulutan ng aral. Mayroon ring tunggalian na nagaganap, na kaakibat ng suliranin. At ang ika-walo naman ay ang paksang-diwa o kaluluwa ng kwento.