Epekto ng maliit na populasyon

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang epekto ng maliit na populasyon?

Sagot verified answer sagot

Epekto ng maliit na populasyonMayroong epekto ang pagkakaroon ng maliit na populasyon. Una, mas maliit ang lakas paggawa ng isang bansa o lugar na may maliit na populasyon.

Nagiging limitado ang paghanap ng pamahalaan ng mga taong makapupuno sa mga posisyong kailangan upang mas mapatakbo nang maayos ang kanilang ekonomiya.

Dahil nga kakaunti ang tao, mas maliit ang tsansa na makahanap ng sapat na tauhan para sa mga programa.

Ang magandang epekto naman nito ay mas madaling hawakan o pamunuan ang isang bayan o lugar na may maliit na populasyon. Mas madaling maabot ang mga mamamayan at mas kakaunti ang kailangang bigyan ng serbisyo at bantayan.