Katanungan
Ano po ang katumbas sa Filipino ng hiram na salitang “ability”?
Sagot
Kung ating gagamitin ang kasalukuyang leksiyon sa Filipino kung saan ang panunumbas sa salitang banyaga ang proseso upang malaman ang katumbas nito sa wikang Filipino, ating masasabi na ang katumbas ng salitang “ability” ay abilidad.
Hindi na bago sa wikang Filipino ang pagkakaroon ng tinatawag na “loan words” o mga hiram na salita kung saan ginagamit nating batayan ang wikang Ingles upang mas mapadali ang panunumbas ng mga salita sa wikang Filipino.
Marami pang ibang loan words mula sa wikang Ingles tungo sa wikang Filipino. Halimbawa pa ng mga salitang hiram ay computer sa wikang Ingles at kompyuter naman sa wiakng Filipino.