Gawi o aksiyon ni Mathilde?

Katanungan

Ano po ang mga gawi o aksiyon ni Mathilde sa “Ang Kwintas”? Maraming salamat po.

Sagot verified answer sagot

Maaalalang sa maikling kwento na may pamagat na Ang Kwintas, ang pangunahing tauhan na si Mathilde ay ang siyang nakawala sa kwintas.

Ang kwintas na ito ay pinahiram lamang sa kanya ni Madame Forestier, isang mayamang tauhan sa kwento.

Noong mawala ni Mathilde ang kwintas, humingi siya ng tulong kay Loisel upang hanapin ito. Ngunit bigo silang dalawa.

Alam ni Mathilde na hindi niya kayang mabayaran ang kwintas, dahil iniisip niya na malaking halaga ito dahil mayaman si Madame Forestier.

Kaya naman nagsumikap siya at nagkaroon ng iba’t-ibang trabaho upang mabili ang kwintas na kapareha noong nawala. Sa dulo ay nalaman niya na peke pala ang kwintas ni Madame Forestier.