Ginagamit ang ganitong uri ng pananaliksik sa pag-alam sa mga kaso gaya ng mga pangyayari sa usaping panghukuman, pag-alam sa kaso ng isang pasyente na nagkaroon ng problema, sa mga dahilan kung bakit nawala sa sariling pag-iisip ang isang tao?

Katanungan

ano ang gamit ng ganitong uri ng pananaliksik?

Sagot verified answer sagot

Pag-aaral ng isang kaso ang tawag sa uri ng pananaliksik kung saan inaalam ang mga kaso, tulad na lamang ng mga pangyayari na may kinalaman sa hukuman, mga kaso ng mga pasyenteng may kinakaharap na problema, at maging pagtuklas sa mga dahilan kung bakit nawawala sa sariling pag-iisip ang isang indibidwal.

Sa wikang Ingles, ito ay mas kinikilala sa terminong “Case Study.”

Minsan ay tinatawag rin ito bilang Pag-aaral ng isang Karanasan. Layunin nito suriin ang kaasalan ng isang tao at ang kapaligiran na ginagalawan nito na maaaring makaapekto sa pag-iisip ng isang tao.

Ito ay isinasagawa upang magkaroon ng sagot sa mga suliraning kinakaharap ng isang indibidwal at mabigyan ng solusyon ang kanilang mga problema.