Ginagamit ito sa pormal na edukasyon?

Katanungan Sagot

Katanungan

ginagamit ito sa pormal na edukasyon?

Sagot verified answer sagot

Ginagamit ito sa pormal na edukasyonAng wikang panturo ay gingamit na wika sa pormal na edukasyon. Ang wikang panturo ang opisyal na wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa paaralan at ang wika sa pagsusulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa paaralan.

Sa pangkalahatan, ang wikang Filipino at English ang mga opisyal na wika at wikang panturo sa Pilipinas. Gayunman, sa pagpasok ng K to 12 curriculum, ang Mother Tongue o unang wika ay ginagamit na rin ng mga paaralan bilang opisyal na wikang panturo sa antas na kindergarten hanggang Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at pribado na tinatawag na Mother Tongue- Based Multilingual Education (MTB- MLE).