Ginagamit sa karwahe?

Katanungan

ginagamit sa karwahe?

Sagot verified answer sagot

Ang karwahe ay isang uri ng transportasyon na noong sinaunang panahon pa naimbento. Ginagamit nito ang tinatawag na mga gulong, na nagpapabilis sa paggalaw nito mula sa isang lugar tungo sa isa pa.

Madalas ito ay hila-hila ng mga hayop tulad ng kabayo, kalabaw, at baka. Mayroon rin namang uri ng karwahe na madaling naitutulak ng isang tao.

May iba’t-ibang paggagamitan ang isang karwahe, depende na rin sa uri nito. Mayroong karwahe na ginagamit sa pagsasaka, upang magdala ng mga bagong ani o kaya mga kagamitang mabibigat.

Mayroon ring karwahe na ginagamit sa turismo, na sakay-sakay ang mga tao upang ipasyal sa pook pasyalan.