Katanungan
ihambing mo na ang dulang pantanghalan sa dulang pantelebisyon?
Sagot
Ang dulang pangtanghalan ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtatangahal nito sa harap ng madla sa isang entablado.
Ang karaniwang uri ng mga dulang itinatanghal ay ang moro-moro, duplo, sarswela, at komedya na nagbibigay aliw sa mga manonood.
Sa kabilang banda, ang dulang pantelebisyon naman ay pagtatanghal na gumagamit ng mga larawang buhay sa tulong ng teknolohiya upang makatawag pansin sa mga manonood.
Kadalasan, gumagamit ng mga tinatawag na “special effects” ang dulang pantelebisyon na hindi maaari o di naman kaya ay limitado lamang sa dulang pantanghalan.
Ang isa pa sa kaibahan ng dalawang dulang ito ay ang dulang pantanghalan ay napanonood mismo ng tao habang isinasadula samantalang sa telebisyon ay ito ay matagalan ng nakunan at sumailalim na sa iba’t ibang uri ng pagsasaayos.