Ilan ang kulay ng watawat ng bansang Pilipinas?

Katanungan

Ask ko lang po sana kung ilan ba talaga ang kulay ng watawat ng Pinas?

Sagot verified answer sagot

Kung titignan ang watawat ng ating bansang Pilipinas, maipagtatanto natin na mayroon itong apat na kulay. Ang apat ng kulay ng watawat ay puti, asul, pula, at dilaw.

Bawat kulay ay ma sinisimbolo at hindi lamang basta-basta. Ang puti na siyang kulay ng tatsulok na bahagi ay sinasagisag ang kapayapaan at pagkakapantay-pantay.

Ang asul naman ang siyang nangangahulugan ng kalayaan, kapayaan, at katarungan. Ang pula naman, na kailangan ay nasa itaas lamang ng bandera tuwing may gyera, ay sumisimbolo sa katapangan.

Habang ang dilaw naman ang siyang kumakatawan sa demokrasya at soberanya ng bansa. Sinasabing ang kulay ng watawat ng Pilipinas ay inihalintulad sa Cuba na siya ring lumalaban sa okupasyon ng Espanya noon.