Ilang metro ang taas ng bundok Annapurna?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ilang metro ang taas ng bundok Annapurna? Hindi ko masukat eh HAHAHA

Sagot verified answer sagot

Ilang metro ang taas ng bundok AnnapurnaAng bundok Annapurna ay mayroong taas na 8, 091 metro o 26, 545 na tampakan. Ito ang sinasabing ikasampu sa mga pinakamatataas na bundok sa mundo.

Ito ay matatagpuan sa bahagi ng Himalayas sa hilagang bahagi ng Nepal. Ang bundok ay ipinangalan kay Annapurna, isang diyosang Hindu na diyosa ng pagkain at sustansiya. Sinasabi sa mga alamat at kuwentong nanirahan si Annapurna sa nasabing bundok kaya ipinangalan ito sa kaniya.

Galing naman ang salitang Annapurna sa salitang Sanskrit na “purna” na ang ibig sabihin ay “puno,” at “anna” na ang ibig sabihin naman ay pagkain kaya ang Annapurna ay maaaring isalin bilang “walang humpay na pagkain.”