Ilang pulgada maaaring maglagay ng telephono mula sa dashboard ng sasakyan?

Katanungan

Ilang pulgada maaaring maglagay ng telephono mula sa dashboard ng sasakyan na minamaneho?

Sagot verified answer sagot

Kung ninanais mong maglagay ng telepono o gadget sa iyong dashboard upang makatulong ito sa iyo sa pag-navigate ng daan o kalsada, kinakailangan na hindi ito lalagpas sa apat na pulgada ang sukat mula sa dashboard.

Ito ay sa ilalim ng batas nak ilala bilang Anti-Distracted Driving Act. Tinitiyak nito na ligtas ang pagmamaneho ng isang indibidwal at walang anumang nakaka-sagabal o hadlang sa kanyang paningin habang nagmamaneho dahil maaaring magdulot ng aksidente ito.

Ang sinumang lalabag sa batas na ito ay makakatanggap ng karampatang parusa, tulad ng pagmumulta, pagkakakulong, o di kaya naman ay ang pag-suspendido ng kanyang lisensya.