Katanungan
Ilang taon ang maaaring ibigay na lisenysa sa isang drayber na mayroong traffic violation?
Sagot 
May ipinatupad ng batas sa Pilipinas na ang mga drayber at motoristang walang huli o anumang violation ay magtatamasa na ng sampung (10) taon na validity sa kanilang lisensya.
Ngunit kung ang linsensya mo ay may huli na o violation, ikaw ay maaari lamang magkaroon ng lisensya na hanggang limang (5) taon lamang ang validity kapag ikaw ay nag-renew.
Ito ay dahil sa bawat huli o violation na mayroon ka, may kaakibat itong demerit points. May mga paglabag sa batas pantrapiko na maaari ring mag-suspinde sa inyong lisensya o hindi kaya naman ay tanggalin ng tuluyan ng LTO ang prangkisa ng iyong lisensya.