Katanungan
Gusto ko po sana malaman kung ilang taon namalagi ang mga Hapon dito sa Pilipinas?
Sagot
Higit kumulang tatlong taon lamang namalagi ang mga Hapones dito sa ating bansang Pilipinas. Ito ay ang mga taon mula 1942 hanggang 1945.
Ito rin ang mga taon kung saan kasalukuyang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pnadaigdig habang ang ating bansa naman ay nasa ilalim ng okupasyon ng mga Hapon.
Bagama’t tatlong taon lamang silang nanatili sa bansa ay higit naman ang pagdurusa at abusong naranasan ng mga mamamayang Pilipino sa ilalim ng mga kamay ng mga Hapon.
Malupit ang pinagdaanan ng mga mamayang Pilipino, lalo na ang mga nakasama sa trahedyang kinikilala bilang Bataan Death March kung saan libo-libong sundalong Pilipino at Amerikano ang pinaglakad nang napakalayo at sa ilalim nang matinding tirik ng mga araw.