Ilang taon tumagal ang republika ng Rome?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

ilang taon tumagal ang republika ng rome?

Sagot verified answer sagot

Ayon sa mga eksperto sa kasaysayan, ang republika ng Rome ay tinatayang nagtagal ng mahigit kumulang limandaang (500) taon.

Sinasabi na unang naitatag ang republika ng Rome noong taong 509 BC. Umusbong ito noong bumagsak ang kaharian ng romano o Roman Kingdom.

Isa sa mga naging maunlad na lipunan ang republika ng rome noong kapanahunan. Maraming naging ambag ang kulturang romano sa panitikan, edukasyon, sining, agham, matematika, at iba pa.

Sila rin ang nagpasimula at nagpalakas sa konstitusyonal na sistema, kung saan sila ay naniniwala sa pagkakaroon ng mga batas at pagpapataw ng mga parusa para sa mga lumalabag. Bumagsak ang republika noong taong 27 BC.