Ilarawan ang ginawa ni Ahriman Mainyu at ang ginawa ni Ahura?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ilarawan ang ginawa ni ahriman mainyu at ang ginawa ni ahura?

Sagot verified answer sagot

Mula sa mitolohiya ni Mashya at Mashyana, na silang tinatayang nagpasimula ng sangkatauhan sa buong daigdig ayon sa relihiyon ng Zoroastrian, ay nakilala rin natin ang mga karakter na sina Ahura Mazda o si Ohrmurzd at si Ahriman o Angra Mainyu.

Ayon sa mitolohiya, si Ahura Mazda o Ohrmurzd ang magiting na manlilikha ng lahat ng bagay sa buong mundo. Katumbas niya ang diyos sa bibliya ng simbahang Katoliko.

Si Ahriman o Angra Mainyu naman ay isang masamang espiritu na may binabalak na wasakin ang lahat ng nilikha ni Ohrmurzd. Sa kanilang pagtatalo ay nabuo mula sa bunga ng isang puno sina Mashya at Mashyana.