Ilarawan ang liberalisasyon ng mga Pilipino pagdating ng mga amerikano?

Katanungan Sagot

6

Katanungan

ilarawan ang liberalisasyon ng mga pilipino pagdating ng mga amerikano?

Sagot verified answer sagot

Ang pananakop ng mga Amerikano sa ating bansang pIlipinas ay nagdulot ng maraming pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino.

Iilan sa mga ito ay hanggang ngayon ay ating nagagamit pa rin sa pang araw-araw na buhay. Noong nagkaroon ng liberalisasyon ang mga Pilipino mula sa pamahalaan ng Amerika, isa sa mga naging magandang dulot ay nagkaroon ng magandang sistema ng edukasyon sa bansa.

Mas maraming mga Pilipino ang naging maunlad ang kaisipan. Nakatulong rin ang edukasyon sa iba pang larangan sa bansa tulad ng agrikultura, panitikan, at maging sa pulitika. Maraming mga departamento sa pamahalaan ang naitatag upang mangasiwa sa mga larangan na nabanggit.