Katanungan
ilarawan ang mga pangyayari sa death march?
Sagot
Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa ating bansa ay may isang pangyayaring tinguriang Death March. Isa ito sa mga kakila-kilabot na pangyayaring naganap sa ilalim ng mga Hapones habang sinasakop nila ang ating bansa. Maraming mga Pilipino ang hindi nakakalimot rito.
Naganap ito noong taong 1942 kung saan mahigit kumulang isang daang libong mga Pilipino at iilang mga sundalong Amerikano ang pinalakad sa ilalim ng initan, na walang dalang pagkain, tubig, at wala ring saplot sa paa o sa katawan ang nakararami.
Ang kanilang nilakad ay umabot ng mahigit isaang daang kilometro ay inabot ito ng anim na araw. Marami sa mga tao ay namatay na bago pa makarating sa Bataan.