Ina bilang isang miyembro ng pamilya?

Katanungan Sagot

Katanungan

ina bilang isang miyembro ng pamilya?

Sagot verified answer sagot

Ina bilang isang miyembro ng pamilyaAng ina ay maraming tungkulin bilang miyembro ng isang pamilya. Sa pagtataguyod ng anak ay malaki na ang papel niya.

Una, dahil siya ang nagdadala sa magiging anak sa kaniyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan. Matapos nito ay nagpapatuloy ang kanilang responsibilidad sa pagpapalaki sa kanilang anak at pagbibigay ng nutrisyon sa pamamagitan ng gatas na taglay ng ina.

Ang ina rin ang may responsibilidad na hubugin ang pagkatao ng kaniyang mga anak at turuan ang mga ito ng disiplina. Mayroon ding mga pamilya kung saan ang ina ang kumakayod upang magkaroon ng kita ang buong pamilya at may pangtustos sa mga pangangailangan.