Ipaliwanag ang “oras ay kaloob na ipinagkatiwala ng Diyos sa tao”?

Katanungan

ipaliwanag ang oras ay kaloob na ipinagkatiwala ng diyos sa tao?

Sagot verified answer sagot

Ang ibig sabihin ng ang oras ay kaloob na pinagkatiwala ng Diyos sa tao ay ang bawat indibidwal na nabubuhay sa mundo ay biniyayaan ng panahon at pagkakataon upang matamasa at masilayan ang mundo.

Ito ang tiyak na oras na kung saan ang tao ay nabubuhay ayon sa misyong ipinagkaloob sa kanya ng maykapal. Ito ang nagsisilbing dahilan ng kanyang pagkakalalang.

Ang oras na tintutukoy ay ang buhay mismo ng tao sapagkat ito ang nagbibigay pagkakataon sa bawat tao na isagawa at mapagtagumpayan ang kanyang nakatakdang dahilan.

Kung kaya ang bawat nabubuhay sa mundo ay may kani-kanyang gampanin na dapat ipagpasalamat sa Diyos at tupdin ng batay sa turo niya.