Isang institusyon na ang pangunahing tungkulin ay paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

isang institusyon na ang pangunahing tungkulin ay paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan?

Sagot verified answer sagot

Pamahalaan ang tawag sa institusyon na may tungkulin na paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan. Ang bawat bansa sa buong mundo ay may sariling pamahalaan.

Ang pamahalaan ay binubuo ng mga taong inihalal sa pwesto. Sila ang mga napili na bigyan ng kapangyarihan upang pangsiwaan ang kanilang bansa at paglingkuran ang kanilang mga mamamayan.

Ang mga nasa pamahalaan ang nagdedesisyon para sa ikabubuti ng mga mamamayan. Sila ay nagpapatupad ng mga batas at alituntunin para sa ikauunlad ng kabuhayan sa kanilang bansa.

Tungkulin rin nilang hanapan ng solusyon ang mga problema at suliraning kinakaharap ng bansa, mapa-ekonomiya, pangkapaligiran, o kung ano pa man.