Isang paraan din ito ng pagkilala, pagpapakahulugan at pag-tataya ng mga simbolong nakalimbag?

Katanungan

Isang paraan din ito ng pagkilala, pagpapakahulugan at pag-tataya ng mga simbolong nakalimbag?

Sagot verified answer sagot

Pagbabasa ang tawag sa pamamaraan ng pagkilala, pagpapakahulugan, at pag-tataya ng mga simbolong nakalimbag sa isang teksto.

Sinasabing ang pagbabasa ay ang pagkuha at pagkilala rin ng mga ideya at kaisipan na nakalimbag upang mabigkas ang mga salita.

Sa pamamagitan ng pagbabasa ay inuunawaan ng mga mambabasa ang nais iparating ng mga nakasulat, mapa sa aklat man, dokumento, o iba pang mga teksto. May apat na hakbang ang pagbabasa.

Ito ay ang persepsyon, kumprehensyon, reaksyon, at asimilisasyon. Bawat isa sa mga ito ay nakakatulong upang mas maging madali ang pag-intindi sa binabasa.

Ang apat ring ito ay ginagamit upang hindi maipalaganap ang maling impormasyon.