Isulat sa patlang ang mga isyung kinakaharap ng mga bata batay sa mga larawang makikita sa ibaba?

Katanungan

Ano kaya ang mga isyu na kinakaharap ng mga bata batay sa mga larawang makikita sa ibaba?

Sagot verified answer sagot

Batay sa apat na larawang makikita natin sa ibaba, mapapansin natin ang mga kalunos-lunos na isyung sinasapit ng mga bata sa panahon ngayon.

Marami sa kanila ay nagkakasakit dahil hindi nakakakain nang tama at masustansya. Kadalasan ay wala ring pampagamot.

Ang isa pang isyu na makikita ay ang pang-aabusong nararanasan ng mga bata sa kanilang tahanan.

Minsan ay sila ang napagbubuntungan ng galit ng mga nakakatanda kaya naman sila ay pisikal at emosyonal na nasasaktan sa mga pangyayari.

Marami ring mga bata ngayon ang humaharap sa isyu ng child labor, kung saan sa musmos na edad pa lamang nila ay ginagamit na sila upang magtrabaho o hindi kaya naman ay mamalimos.