Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap?

Katanungan

Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap?

Sagot verified answer sagot

Rehistro o Register ang tawag sa barayti ng wika  kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap. Isa lamang ito sa maraming barayti ng wika.

Ang rehistro ay nagpapakita ng konsepto ng wika kung saan nagiging malikhain ang isang indibidwal pagdating sa oaggamit ng wika at pananalita bagamat naiaangkop nga nya ang uri ng wikang kanyang gagamitin ayon sa sitwasyon at sa kanyang kausap.

Halimbawa na lamang ay ang paggamit ng mga madadaling salita at pagtinis ng boses tuwing makikipag-usap sa isang bata upang mas maintindihan nila ang nais iparating sa kanila.