Ito ang epekto ng pagiging aktibo ng mga glandula na gumagawa ng pawis at langis sa katawan?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

ito ang epekto ng pagiging aktibo ng mga glandula na gumagawa ng pawis at langis sa katawan?

Sagot verified answer sagot

Nagkakaroon ng mga taghiyawat ang isang tao kung ang kanyang mga glandula ay aktibong gumagawa ng pawis at langis sa kanyang katawan.

Sa wikang Ingles, kilala ang mga taghiyawat sa mga salitang pimples at acne. Ang mga ito ay mistulang mga maliliit na bukol.

Ayon sa mga doktor, isa itong pamamaga ng balat. Maaaring magkaroon ng taghiyawat ang isang tao sa mga parte ng katawan niya na sensitibo at madalas pawisin.

Kabilang na rito ang mukha, likod, kili-kili, at singit. Pinapayuhan ng mga doktor na huwag tirisin ang mga taghiyawat kung sakaling magkaroon. Hayaan lamang ang mga ito na kusang mawala.