Ito ang pag-aaral ng pormasyon ng mga salita sa mga pangungusap ng isang wika?

Katanungan

Maaari po bang malaman kung ano ang tinatawag na pag-aaral ng pormasyon ng mga salita sa mga pangungusap ng isang wika? Salamat po sa pagtugon.

Sagot verified answer sagot

Sintaks ang taguri sa pormasyon ng mga pangungusap ng isang wika. Ang pag-aaral naman sa pormasyon na ito ay tinatawag bilang sintaksis.

Sa ating wikang Filipino, ang struktura ng pangungusap natin ay ang pagkakaroon ng mga sumusunod: simuno o paksa, pandiwa (kilos-salita na nagpapakita ng ginagawa ng paksa ng pangungusap), pang-abay (salitang naglalarawan sa pandiwa), at pang-uri (salitang naglalarawan naman sa paksa).

Mahalaga ang pag-aaral ng siktaks o sintaksis bagama’t ito ang nagiging gabay upang maayos ang paggawa ng mga pangungusap.

Sa tulong ng sintaksis ay maipaparating nang maayos ang nais sabihin at magkakaintidihan at magkakaunawaan ang mga indibidwal na magkakausap.