Katanungan
Ito ay ang patakaran na kung saan ay unti unting isinalin ng mga amerikano ang pamamahala sa mga pilipino sa pamamagitan ng pagluklok sa kanila sa mga tungkulin sa pamahalaan?
Sagot
Noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa ating bansang Pilipinas, nagsimula silang gumawa ng iba’t-ibang patakaran at ipatupad ito.
Isa sa mga ito ay ang patakaran na kung saan unti-unting isinalin ng mga Amerikano ang pamamahala sa mga Pilipino sa pamamagitan ng pagluklok sa kanila sa mga tungkulin sa pamahalaan. Ang polisiyang ito ay tinawag na Patakarang Pilipinasisayon.
Binigyan ng patakarang ito ng pagkakataon na mamahala ang mga Pilipino sa kanilang sariling bansa. Ang gobernador-heneral noong mga panahong ipinatupad ang patakarang ito ay si Francis Burton Harrison.
Inihalal siya sa kanyang posisyon ng mga Pilipino dahil sa interes niyang baguhin ang pamahalaang kolonyal.