Ito ay ang tawag sa pamilihang bayan ng mga lungsod-estado ng Greece?

Katanungan

ito ay ang tawag sa pamilihang bayan ng mga lungsod-estado ng Greece?

Sagot verified answer sagot

Agora ang tawag sa pamilihang bayan ng mga lungsod-estado ng Greece. Ang agora ay nasa ilalim ng polis o pampolitikang yunit ng lungsod-estado. Ang polis ay nahahati sa tatlong bahagi.

Ito ay ang mga Acropolis na kung saan matatagpuan dito ang mga gusaling pampubliko maging mga templo na karaniwang nasa pook na mataas, ang agora na tinuturing na baying pamilihan na makikita naman sa ibabang bahagi ng acropolis, at ang polis naman na binubo ng mga iba’t ibang nayon.

Ang lungsod-estado ng Gresya ay binubuo ng tatlong pampolitikang institusyon upang masiguro ang kaayusan. Ito ang mga hari na siyang pinakamataas, sanggunian, at ang kapulungan na ang bumubuo lamang ay mga lalaking mayayaman.