Katanungan
Ito ay isang sitwasyon kung saan kontrolado o hawak lamang ng isang kompanya o may kapangyarihan ang industriya o pagtutustos ng isang bagayo produkto?
Sagot
Monopolyo ang tawag sa isang uri ng pamilihan kung saan ang sitwasyon ay kontrolado lamang ng iisang nagmamay-ari, kumpanya, o may kapangyarihan sa industriya.
Ibig sabihin nito ay walang kakompetensya pagdating sa mga produkto at serbisyo. Siya lamang ang natatangi na nagbebenta ng produkto o serbisyo na iyon at walang pagpipilian ang mga mamimili.
Kadalasan nating makikita ang monopolyo pagdating sa mga suplay ng tubig o kuryente. Halimbawa na lamang sa Maynila, na kabisera ng ating bansang Pilipinas, ay ang kumpanya ng Meralco ang pangunahing nagsu-suplay ng kuryente. Sa katunayan, maging sa ibang lungsod sa bansa ay kontrolado na ng Meralco ang kuryente.