Katanungan
ito ay isang uri ng mga sinaunang pamahalaan na kung saan pinamumunuan ng isang emperador?
Sagot
Monarkiya ang tawag sa sinaunang uri ng pamahalaan kung saan ang namumuno ay tinatawag na emperador o hari.
Sa ilalim ng monarkiya ay may tinatawag na royal family. Ito ay binubuo ng emperador o hari, ng kanyang asawa na siyang reyna, at ang kanilang mga anak na prinsipe at prinsesa—na sila rin naman ang magmamana sa trono.
Mataas ang tingin sa mga emperador na namumuno sa isang monarkiyang lupain. Ito ay dahil sila lamang ang may kakayahan na mangasiwa at mamalakad sa lahat ng mga bagay sa kanilang nasasakupan. Sila ay may pangkat o gabinete na gumagabay lamang sa kanila ngunit hindi maaaring gumawa ng desisyon para sa kanila.