Ito ay isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang kaalaman o karanasan?

Katanungan

Ito ay isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang kaalaman o karanasan?

Sagot verified answer sagot

Asimilisasyon ang tawag sa hakbang ng pagbabasa kung saan dito isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang kaalaman o karanasan.

Mahalaga ito sa pagbabasa bagamat ito ang nakakatulong sa isang tao na maugnay ang kanyang sariling karanasan at pananaw ayon sa kanyang nabasa.

Mas maiintindihan ng isang indibidwal ang kanyang babasahin kung mas malapit ito sa kanyang karanasan o pamumuhay.

Sa pamamagitan rin nito ay mas mae-engganyo pa ang tao na magbasa nang mas marami pang mga aklat o iba pang dokumento.

Sa tulong ng asimilisasyon ay nabibigyang pansin rin ang mga bagay-bagay na dati ay hindi pokus ng atensyon.