Ito ay katas ng basura na mapanganib sa kalusugan?

Katanungan Sagot

Katanungan

ito ay katas ng basura na mapanganib sa kalusugan?

Sagot verified answer sagot

Ito ay katas ng basura na mapanganib sa kalusuganAng katas ng basura na mapanganib sa kalusugan ay tinatawag na leachate. Ito ay ang likidong nabubuo o kumakatas mula sa mga basura o solid waste lalo sa mga landfill na dumidiretso naman sa mga anyong tubig tulad ng mga dagat at ilog.

Ang leachate din ay maaaring makaapekto sa groundwater dahil maaaring sipsipin ng lupa ang katas ng mga basura sa lupa na maaari namang magdulot ng iba pang bacteria lalo na kung may dumpsite sa malapit na lugar.

Sa isang pag-aaral, lumabas na lubhang napakarami ng leachate ang nakuha sa Rodriguez, Rizal at Payatas dumpsite na dumidiretso naman sa Marikina River at Pasig River.