Katanungan
Ito ay mga tunog o ingay na nagmumula sa kaisipan, damdamin, o estado ng isang tao?
Sagot 
Ang mga tunog o ingay na nagmumula sa kaisipan, damdamin, o estado ng isang tao ay tinatawag bilang sikolohikal na mga tunog o ingay.
Kapag may nararamdaman ang isang indibidwal ay maaari niya itong ipadama sa pamamagitan ng mga tunog o ingay.
Isang magandang halimbawa nito ay ang paghikbi na narininig kapag ang isang tao ay umiiyak. Umiiyak ang isang indibidwal kasi siya ay nakakaramdam ng lungkot, sa kanyang pag-iyak ay maaaring makarinig ng hikbi.
Isa pang halimbawa ay ang paglakas o pagtaas ng boses ng isang tao. Kadalasan ito ay dahil pinaparamdam ng indibidwal na siya ay nagagalit o naiinis.