Ito ay naganap noong marso 31 1899 kung saan umurong ang sandatahan ni aguinaldo?

Katanungan Sagot

Katanungan

ito ay naganap noong marso 31 1899 kung saan umurong ang sandatahan ni aguinaldo?

Sagot verified answer sagot

Noong Marso 31, 1899 ay naganap ang hindi inaasahang Pagbagsak ng Malolos. Sa kaganapang ito ay umurong ang sandatahan ni Emilio Aguinaldo, na siyang presidente ng Unang Republika ng Pilipinas, laban sa mga Amerikano.

Kasabay ng pag-urong ng sandatahang lakas ng Pilipinas ay maraming salapi at dokumento ang naiwan. Ipinatawag ni Aguinaldo ang Kongreso ng Malolos noong Setyembre 15, 1898 at kanyang pormal na itinatag ang Unang Republika ng Pilipinas noong Enero 23, 1899.

Hindi ikinatuwa ng mga Amerikano ang pagtatag ng bansa ng sariling republika at hindi nila kinilala ito. Kaya naman umusbong ang Digmaang Pilipino-Amerikano na siyang nagpabagsak sa Malolos.