Katanungan
ito ay nagpapalinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap?
Sagot
Intonasyon ang tawag sa nagpapalinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap. Ang intonasyon ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig kapag nagsasalita ang isang tao.
Nagpapakita itong ng damdamin kapag ginagamit ang tamang intonasyon sa pakikipag-usap. Halimbawa nalang, ang mataas na intonasyon ay maaaring nagpapahayag ng kagalakan ng isang tao dahil tumataas ang ating tinig at tono kapag tayo ay natutuwa.
Kapag malungkot naman, bumababa ang intonasyon natin gaya ng pagbaba ng ating karamadaman. Mahalaga ang intonasyon kaya sa paaralan ay dapat itong pag-aralan mabuti.
Ang hindi pagbibigay ng tamang intonasyon ay maaaring maging sanhi ng kaguluhan sa komunidad.