Katanungan
Kabsat kunin mo nga ang wallet ko sa rabaw ng ref
Sagot 
Ang pangungusap na “Kabsat kunin mo nga ang wallet ko sa rabaw ng ref” ay gumagamit ng wikang Ilokano. Ang salita kasing kabsat ay isang Ilokanong salita na nangangahulugang “kapatid” o “kinakapatid” ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino.
Samantala, ang salitang “rabaw” naman ay salita ring Ilokano na ang ibig sabihin naman ay itaas ng isang bagay o sa madaling sabi, “ibabaw.”
Ang ibang salita ay nananatili sa salitang Filipino at English sapagkat walang direktang salin sa wikang Ilokano ang mga salitang ito o mas pinili ng nagsasalita na paghaluin ang mga wika na normal na ginagawa sa wikang Filipino.