Kahalagahan ng pag aaral ng ekonomiks bilang mag-aaral

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang kahalagahan ng pag aaral ng ekonomiks bilang mag-aaral?

Sagot verified answer sagot

Kahalagahan ng pag aaral ng ekonomiks bilang mag-aaralMahalaga ang pag-aaral ng ekonomiya bilang isang mag-aaral dahil maging ang edukasyon ay nakaangkla rin sa ekonomiya.

Kung ikaw ay nag-aaral sa isang pampublikong paaralan, ang pondong ginagamit sa pagpapatayo at pagpapatakbo ng paaralan ay mula sa magandang ekonomiya ng bansa.

Nakasusuporta ang kagawaran ng edukasyon ng isang bansa dahil sa pondong nanggagaling sa paggawa ng buong bansa at sa pondong nakukuha sa paggawa o ekonomiya.

Bilang isang mag-aaral din kasi, ang pag-aaral sa ekonomiya ay isang paghahanda sa kinabukasan dahil ang layunin ng bawat mag-aaral ay magkaroon ng trabaho, kumita ng sariling pera, at magkaroon ng ambag sa pag-unlad ng bayan sa pamamagitan ng pagbubuwis.