Kahulugan ng lodi, petmalu, kalerki, chaka, waley?

Katanungan

kahulugan ng lodi, petmalu, kalerki, chaka, waley?

Sagot verified answer sagot

Hindi lamang ang panahon ang nagbabago, kung hindi na rin maging ang ating wika. Taon-taon ay nadadagdagan an gating mga salita dahil may nadidiskubre o may naiimbento.

Isa sa mga naimbentong wika ay ang tinatawag na “gay lingo.” May mga salita ito tulad ng “kalerki” na ang ibig sabihin ay nakakaloka.

Ang “lodi” naman ay binaligtad na idol. Ang “petmalu” ay kabaligtaran rin ng pantig ng malupet. Ang “chaka” naman ay panget. At ang “waley” ay wala o hindi mabenta.

Lahat ng ito ay mga makabagong salita na ginagamit pang-aliw lamang tuwing magke-kwento. Mahilig talaga magbiro ang mga Pilipino kaya nakakaimbento ng mga ganitong salita.