Kaibigan ni Rizal na nagpahiram ng salapi?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

kaibigan ni rizal na nagpahiram ng salapi?

Sagot verified answer sagot

Ang kaibigan ni Rizal na nagpahiram ng salapi ay si Maximo Viola. Si Maximo Viola o sa tunay na ngalan ay Maximo Viola y Sison ay isinilang noong ika 17 ng Oktubre taong 1857.

Kinilala siya sa kasaysayan bilang isang manunulat, doktor, propagandista, at rebolusyunaryong Pilipino na pinaniniwalaang nagmula pa sa Bulacan, isang probinsiyang matatagpuan sa bansang Pilipinas.

Ayon sa mga talang nakalap patungkol kay Jose Rizal na kinikilala bilang pambansang bayani ng bansang Pilipinas, si Maximo Viola ang matalik na kaibigan nito sa bansang Europa.

Ito rin ang pinaniniwalaang nagpahiram kay Jose Rizal ng salaping nagkakahalaga ng 300 piso upang mailathala ang nobelang sinulat niya na pinamagatang El Filibusterismo.