Katanungan
kailan ang paglisan ni macarthur sa pilipinas patungo australia?
Sagot
Noong Marso 17, 1942 ay tuluyan ng nilisan ni Heneral Douglas MacArthur ang ating bansang Pilipinas. Kasama niya ang iilang miyembro ng kanyang pamilya at hukbong sandatahan.
Sila ay umalis sa isla ng Corregidor sa Bataan noong Marso 11, 1942 kung nasaan ang mga kalabang sundalong Hapones. Tumungo sila sa Zamboanga sa Mindanao at nakarating naman doon matapos ang dalawang araw.
Nanatili sila roon kasama ang kanyang mga sundalo, na tinaguriang “Bataang Gang” hanggang sila ay nakaalis patungo sa Australia sa pamamagitan ng submarine.
Ang kanyang pag-alis sa Pilipinas at pagtungo sa Australia ay isang kautusan mula kay Presidente Franklin D. Roosevelt.