Katanungan
Diba po pinaubaya ng Espanya ang lahat ng kanyang karapatan sa Pilipinas? Kelan ulit yun?
Sagot
Noong taong 1898 ay lubos nang ipinaubaya ng Espanya ang lahat ng kanyang karapatan sa Pilipinas. Naganap ito noong isinagawa ang Kasunduan sa Paris.
Sa ilalim ng kasunduang ito ay inilipat ng Espanya ang pamumuno at pananakop nito sa ating bansa sa kamay ng Estados Unidos.
Ang Estados Unidos naman ay tinatayang nagbayad ng $20,000,000 kapalit ng okupasyon ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Kaya naman ganun na lamang na sumailalim na ang mga mamamayang Pilipino sa kolonyal na pananakop ng mga Amerikano.
Ang mga Amerikano ay namamayani sa Pilipinas mula 1898 hanggang 1946. Umabot sa halos 48 taon ang panahon ng pagsasakop ng Amerika sa Pilipinas.