Kailan maaaring hindi gumamit ng child restraint system ang isang bata?

Katanungan

Kailan maaaring hindi gumamit ng child restraint system ang isang bata?

Sagot verified answer sagot

Ang isang bata ay hindi na saklaw ng batas na gumamit ng child restraint system kung ito ay nasa edad labing tatlo (13) pataas at may taas o tangkad na sa 150 centimeters o 4’11”.

Ayon sa batas, ang child restraint system ay ang tulad ng mga car seats o boosters na siyang nakakatulong upang mapanigurado ang kaligtasan ng isang bata na magiging pasahero ng isang sasakyan.

Ang child restraint system ay nasa ilalim ng batas republika 11229 o mas kilala bilang Child Safety in Motor Vehicles Act. Ang sinumang lalabag sa batas na ito ay pagmumultahin at maaari ring makumpiska ang lisensya.